Tags

About
Table of Contents
Comments

  "Hi bessy"  bati ni Jenny sa kanyang matalik na kaibigan at business partner na si Lucy. "Hi din sayo bessy" balik bati nito sabay halik sa kanyang pisngi.  Si Jenny at Lucy ay nagmamay-ari ng JL MilkTea Cafe na matatagpuan sa Tagaytay City,  Cavite sa bandang Olivares sa tabi ng isang sikat na mall. Ang kanilang Cafe ay isa sa dinarayong lugar sa Tagaytay dahil sa ganda ng pagkakadesign nito na punung-puno ng halaman at bulaklak na animoy ikaw ay nasa isang paraiso o fairy tale at maliban dito mayroon din espasyo para sa mga gustong humugot at magsulat ng kanilang damdamin at higit sa lahat may libreng video oke para sa mga gustong kumanta. Maliban sa milktea na kanilang inooffer mayroon din silang iba't ibang klase ng cofee, cake, at mga tinapay na talagang hahanap hanapin ng kahit na sinong makakain nito. "Bessy matutuwa ka sa ibabalita ko sau", ani Lucy. "Ano yun bessy?"Excited naman niyang tanong. "Mataas ang sales natin ngayon bessy, tumaas ng 70% ang income ng ating cafe" tuwang tuwa nitong pagbabalita. "Talaga bessy,  wow naman nakakatuwa,  hay,  ang saya at nakakamit na natin ang ating tagumpay sayang lang at hindi ka naging bahagi ng aking...."sabay tigi na may halong panghihinayang niyang sambit. "Ano sabi mo bessy?" Nagtatakang tanong nito. Nagulat man sa tanong ng kanyang kaibigan ay hindi siya nagpahalata "wala bessy masaya lang ako, teka ha punta lang ako sa CR kanina pa ako nawiwiwi", sabi niya dito sabay talikod. Habang nasa CR walang tigil ang kanyang luha sa pag-iyak dahil muli nanaman niya naalala ang kanyang nakaraan. "Kung andito ka lang  sana,  sana lubos ang aking saya, mahal na mahal kita", impit niyang bulong.

  Paglabas ni Jenny sa CR nakita niya ang isang batang babae na sa tantiya niya ay nasa apat na taon gulang at may kasama itong isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki na sa tingin niya ay naglalaro sa edad na thirty five or thirty-six.  Pagkakita niya sa mga ito ay bigla siyang may naalala.

  "Tito handsome,  I like that one,  strawberry milktea", masiglang sabi ng bata na sa pagkakarinig niya ay Letty ang pangalan nito. "Okey sweety, what else do you want?", Tanong naman ng lalaking kasama nito. Tila nag-iisip ang bata habang ang kanyang munting hintuturo ay nakaturo sa kanyang sentido.  "I want strawberry cake also tito handsome" ani Letty. "Okey sweety", sabay pisil sa ilong nito na ikinangiti ng batang babae. "Ms.  1 Strawberry Milktea,  1 slice of Strawberry cake and 1 Cofee,  black no sugar" sabi nito kay Lucy na siyang nagkakahera dahil nakaleave ang kanilang kahera. "Okey sir, dine-in or take-out?" Tanong nito. "Dine-in please",  sabay abot nito sa isang libo. "Okey sir, iseserve nalang po ang inyong order" sabi ni Lucy.

  Habang naghahanap ng upuan sina Letty at Michael ay napansin nito na tila may nakatingin sa kanila kaya nagawi ang tingin niya sa isang mesa na malapit sa cashier at nakita niya ang isang babae na biglang nagbawi ng tingin ng bigla siyang mapatingin sa direksyon nito. "Woman", saad nito,  sabay ngisi sa kanyang labi.

  Si Jenny na nakaupo sa isang bakanteng upuan na malapit sa cahier ay biglang nagulat at hindi mapakali ng mamalayan niyang nakatingin sa kanya ang lalaki  hindi niya aakalain na mahahalata nitong tinitingnan niya ang mga ito lalo na ang batang babae dahil sa sobrang ganda nito at agaw pansit ang kulot nitong buhok.

  Pagkatapos magmiryenda nina Letty at Michael ay tumayo na mga ito upang lumabas ng Cafe ngunit pagdaan sa may mesa ni Jenny bigla itong tumigil at lumapit, "Miss, I think kanina ka pa nakatingin sa amin,  may kailangan ka ba?" tanong nito na ikinabigla ng huli. Si Jenny ay hindi mawari ang kanyang gagawin kung siya ay tatalikod at iiwas sa pagkabigla ngunit huli na. "W-H-A-T?  nauutal na saad niya. "Nevermind,  by the way I'm Michael and you are?" Pakilala nito sabay abot ng kamay upang makipag shake hand. "I'm Jenny", simpleng  tugon niya na hindi mawala ang kabog sa kanyang dibdib. "Nice meeting you,  by the way, are you the owner of this shop?" Tanong nito. "Yeah,  me and my bestfriend Lucy" sagot niya sabay turo sa gawi ng cashier kung saan nakapwesto si Lucy. "I like your service and I like your food,  I think this will be one of my favorite spot here in Tagaytay" pacute na sabi ni Michael. "Thank you, I'm glad you enjoy your food", ang tanging nasambit niya dahil gusto na niya matapos ang uspan nila. "Yeah I did,  plus the fact that, alam kong kanina ka pa nakatingin sa akin". Sabay kindat nito sa kanya. "Anyway we have to go" saad nitong muli ng wala siya tugon sa huli nitong sinabi.

  Habang papalayo na ang mga ito,  hindi mapigilan ni Lucy ang ngumiti sabay lapit sa kanyang kaibigan. "Aha,  Aha,  may naamoy akong lovelife", wika nito na tila kinikilig. "Tse,  tumigil ka,  may pagkamayabang ang loko", asar niyang sabi. "Mhm..may ipagmamayabang naman bessy,  tingnan mo mayaman na gwapo pa" sabi ni Lucy na hindi ikinatuwa ni Jenny ang timbre ng boses nito na animoy kinikilig.

  Alas sais na ng gabi at biglang nag-aya si Lucy kumain sa labas. "Bessy, nagugutom na ako,  tara na kain na tayo" aya niya kay Jenny. "Oh,  di kumain ka,  marami naman pagkain diyan na iniluto ni Mang Simeon ah",  tukoy ni Jenny sa kanilang chef. "Aba,  nagsasawa na ko sa luto ni Mang Simeon no", pagmamaktol nito. "Tara na sa labas na tayo kakain, balita ko may bagong putaheng pinagmamalaki ang Sanja's Restaurant", tukoy niya sa isa sa mga sikat na Restaurant sa Tagaytay na malapit sa kanilang shop. "Hay nako, ikaw talaga,  isusumbong kita kay Mang Simeon". Sabay tawag ni Jenny sa pangalan ni nito na ikinagulat ni Lucy. "Ano po yun Ma'am Jenny?"  Tanong ni Mang Simeon. "Wala Mang Simeon,  kumain na kayo diyan at lalabas lang kami sandali" sagot ni Jenny sabay tingin kay Lucy na hindi maipinta ang mukha at kitang-kita ang pamumula ng pisngi. "Ano ka na diyan,  akala ko ba lalabas tayo,  tara na", pang-aasar pa niya. Kinuha ni Lucy ang bag sabay talikod kay Jenny "Aantayin kita sa kotse,  ikaw magdrive,  salbahe", ani Lucy. Si Jenny na sumusunod dito ay bilang tumawa ng malakas.

  "Wow,  ang sarap ng pagkain,  nakakagutom",  sabi ni Lucy habang nakatingin sa menu ng sila'y makahanap ng magandang pwesto sa loob ng restaurant. "Alin diyan yung sinasabi mo na bago nilang putahe?" Tanong niya kay Lucy. "Ito bessy, Crab de Sanja", sagot nito na ang tinutukoy ay nilutong Crab na may minatamis at mayroon nakapalibot na lettuce,  carrot,  fries sa gilid nito. "Sige,  yan nalang orderin natin,  mukha ngang masarap" sabi niya. Matapos ibigay ni Lucy ang kanilang order na 2 Crab de Sanja, 2 Rice,  2 soda Drinks, Fruit Salad for Dessert and 2 mushroom soup ay umalis na ang waiter. "Gutom Bessy?" tanong niya dito habang naiiling. "Yes bessy,  saka na tayo magdiet,  and take note,  malaki sales natin", sagot ni Lucy. Habang kumakain napag-usapan nila ang kanilang plano para sa 4th Anniversary ng kanilang JL Milktea Cafe."Bessy dalawang buwan mula ngayon anniversary na natin" excited na hayag ni Lucy. "Oo nga bessy,  akalain mo yun,  apat na taon na pala,  parang kailan lang,  tapos magdidiwang na tau ulit ng anniversary" tuwang tuwa naman niyang hayag. "So bessy,  ano plano? Kasi noong 1st Anniversary natin,  simple lang ang handaan,  2nd Anniversary naman natin ay may paparty lang sa Cafe,  yung 3rd Anniversary natin ay pamotorcade lang tayo, so ano naman ngayong 4th anniversary natin?  Sa tingin mo bessy, ikaw magaling sa pagpaplano eh",  ani Lucy. "Naiisip ko kasi ay ano kaya kung mag out of town naman tayo,  like sa beach resort para sa mga staff natin para matuwa sila at saka isipin mo hindi natin maabot ito kung hindi dahil sa sipag at dedication din nila diba", ani Jenny.  "Good idea,  tapos mag hunting tayo bessy" tuwang sambit ni Lucy. "Anong hunting? Tanong naman niya. "Sus,  ayan ang hirap sayo eh yung sa bahay, trabaho lang umiikot buhay mo, hays ang boring ng life. Man hunting,  ano pa ba" kinikilig na saad nito. "Hay nako Lucy,  ayan ka nanaman sa paghuhunting mo,  aba ilang beses ka ng nadapa ah,  hindi ka pa ba nagsasawa at napapagod" panenermon niya dito. "Ano ka ba bessy,  sa bawat dapa kailangan bumangon at isa pa hindi naman pede na hayaan ko nalang ang sarili ko na maging malungkot forever no, dapat happy, happy lang. Ikaw din baka di mo na makita forever mo at tumanda kang dalaga.  Ni wala akong nababalitaan na nagkajowa ka mula ng magkakilala tayo ah" ani Lucy. "Hay nako ang dami mo ng sinabi", wika niya na pilit itinatago ang sakit na nararamdaman. Sa tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa lovelife animo'y parang may kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib kaya hangga't maari ay ayaw niya itong pag-usapan kailanman. "Matanong ko nga sayo kasi diba five years na tayo magkakilala pero nagkajowa ka na ba bessy?" Hindi pa rin paawat si Lucy sa naumpisahang topic. "Yung plano nalang sa anniversary ang pag-usapan natin hindi iyong mga ganyang bagay" pag-iwas niya. "Sa five years nating pagkakaibigan tuwing napag-uusapan ang ganitong bagay tila ikaw ay umiiwas. Sige na nga yung anniversary nalang pag-usapan natin. So ano, sa beach resort nalang ba tayo?", sabi nito ng mapansin na hindi na siya sumasagot.

  "Oo beach resort na lang,  marami naman sa Batangas", sagot niya.

  Hanggang sa matapos silang kumain ay patuloy pa rin ang kanilang pagpaplano para sa 4th anniversary ng Cafe  tulad ng kung sino ang iimbitahan,  o kaya magkakaroon pa ba sila ng marketing strategy habang nasa anniversary o magrerelax na lang muna kasama ang kanilang buong staff.

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down