About
Table of Contents
Comments

Today's a rainy afternoon. But here I am walking alone in the midst of the crowd of people, rushing to find shelter to warm themselves.

Holding my umbrella, my mother never forget to remind me to bring it every day.  While I'm trying to contact both of  them, to let them know that I won't be able to come home, early for tonight.

Masyadong malakas ang ulan kanina at kinailangan ko pang hintayin na tuluyan itong tumila, bago ako lumabas ng university at maglakad pauwi. Since we only have one car and that's just for my parents. I have no choice but to walk or just grab a taxi whenever I finish my school hours.

Pero sa oras ngayon, pinili kong maglakad nalang pauwi kaysa pumara pa ng taxi. Masyado rin kasing maraming pasahero ngayon at kung makikipag-agawan pa ako sa kanila. Siguradong mas matatagalan pa ako sa pag-uwi.

Tahimik lamang akong naglalakad sa gilid ng daanan. May iilan pa akong nakakasalubong na mga estudyanteng nagtatakbuhan. Nagtatakbuhan upang makahanap ng masisilungan. Ang iba naman ay tila pinili na lamang na mabasa para makauwi ng maaga sa mga bahay nila.

I watch as how the raindrops hits the ground. All the busy people tapping their shoes while waiting for the bus or taxi to arrive in front of them.

Just by watching them, made me want to fold my umbrella and gladly welcome the raindrops in with my arms open wide.

Pero sino ba'ng niloloko ko? Baka pag umuwi akong basa, papagalitan pa ako ni Mama.

"Miss? Okay ka lang ba?"

Kaagad akong napabalik sa realidad ng makarinig ako nang isang boses mula sa kung sino.

Sandali pa akong napakurap ng matagpuan ko itong nakatayo sa harapan ko.

He's starring at me as if I am someone who lose herself. He's wearing a brown jacket. Katulad ng ibang mga tao, basang-basa rin ang suot nitong damit. Pansin ko rin ang bawat pagtaas at baba ng dibdib niya. Animo'y kakagaling niya lang sa isang mahabang takbuhan. Did he run?

" I'm fine." I said casually, only to receive a soft chuckle from him.

"Akala ko kasi may problema ka eh." Kibit balikat na sagot niya.

"Why do you care?"

"Hindi naman, concerned citizen lang." He again chuckle.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay muli lamang akong naglakad, hindi alintana ang presensya niya. I shouldn't be talking to him, he's a stranger.

Naglakad muli ako. Ngunit kaagad din naman akong natigilan ng muli siyang magsalita. Dahilan para mapangiwi ako sa kaniya.

"Ikaw ba," he pause as he remain his eyes on me. "Wala ka bang balak ishare yang payong mo?"

Bahagya akong tumingin sa kamay kong nakahawak sa payong. Saka sa mga tao sa paligid na kasalukuyang nagmamadaling naglalakad para makisulong sa iilang mga tindahan sa may daanan. Kaagad ko rin namang ibinalik ang tingin sa kaniya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bago ko siya nagawang sagutin.

"Do I have to? Besides, kanina pa ba basang-basa sa ulan. Hindi mo na kailangan makisilong." 

"Kahit lalagnatin at sisipunin ako nito kinabukasan. Ayaw mo pa rin akong ipasilong sa payong mo?" Bahagya siyang napanguso sa sinabi niya

Tumango naman ako sa kaniya. "It's your choice na magpabasa sa ulan. Hindi ko naman kasalanan kung sisipunin ka."

Why am I even talking to this guy, anyway? At bakit parang inis na inis pa talaga ako sa presensya niya ngayon?

"Ang damot mo naman pala eh." Iling niya.

Kasalanan ko bang ayokong may ibang nakikisilong sa payong ko? Saka choice niya naman ang ginawa niya. Bakit kailangan niya pang iparamdam sa'kin na kasalanan ko pa pag 'di ko siya pinasilong sa payong ko?

Sa halip na sumagot pa sa mga sinabi niya. Muli ko na lamang siyang tinalikuran at magkasalubong ang kilay na nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo sa kaniya, narinig ko siyang  sumigaw, na mas lalo ko ring ikinainis.

"Miss! Pag ako sinipon bukas! Hahanapin talaga kita!" He shouted.

I didn't even bother to look back. I continue to walk my way home. Not minding the cold wind that is now lingering to my body.

__

"I received your text, okay ka lang ba,nak?" Bungad sa'kin ni Mama ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay.

Matapos kasi no'ng encounter with that strange guy. I immediately went straight to our house. Mabuti nalang at hindi gaano kalayo ang lalakarin mula sa university patungo rito sa bahay kaya hindi na'ko natagalan pa.

Kung nakipag-agawan pa ako ng taxi kanina. Baka hanggang ngayon hindi pa rin ako makakauwi.

"Okay lang po ako Mama. Si papa po?" Tanong ko sabay nagmano sa kaniya.

"He's in the kitchen preparing for our dinner."

My mother suddenly grab my backpack and put it on the side table. Hindi ko nga napansin ang hawak niyang kulay brown na towel. Saka ko lamang ito napansin ng iniabot niya ito sa'kin para punasan ang sarili ko.

"Ma, hindi naman po ako nabasa sa ulan." I told her with a sigh

"Alam ko, but just to make sure, so you won't catch a cold." She then smiled and caress both of my shoulders. As she wipe few droplets of rains in my forehead.

Hindi naman talaga ako nabasa kanina sa paglalakad ko eh. Nakuha ko lang itong ilang tulo ng dahil nang tiklupin ko yung payong kanina ng pumasok na ako sa may gate ng bahay.

Nagpatuloy lang si Mama sa pagpunas sa noo ko. Habang ako naman ay nanatiling tahimik sa ginagawa niya.

"How's your day? Did you have fun?"  I just shrug.

Wala namang espesyal na nangyari sa araw na'to eh. Pawang lectures at activities lang naman ang binigay ng mga instructors ko at assignments na kailangan sagutan.

"Ma, wala namang bago eh." Kaswal na sagot ko sa tanong ni Mama. Dahilan para matigilan siya sa ginagawa niya sa'kin, at mapatingin ito sa'kin ng seryoso.

"Maybe you just have to hang out with your classmates and make friends with them,  right?" She said full of hope.

I knew it. She wants me to be friend with my classmates for me not to feel alone anymore.

But what if her own daughter doesn't want to make friends? I prefer being alone rather than being surrounded with people.

Okay naman ako eh. Wala naman akong problema kahit mag-isa lang ako. I'm used to this kind of set up. It's my choice not to make friends from the very start.

"Ma, you don't have to worry about me. Besides I already have Sanielle with me, so why bother, right?" I said assuring her that I'm really fine

"I know, but you see. Even Sanielle have a lot of friends. Tapos ikaw, ayokong maiwan kang mag-isa dahil lang sa wala kang kaibigan."

"I have friends, that's you, Papa, and Sanielle." May diing sagot ko sa kaniya.

I really don't like arguing with her. Dahil alam kong sa huli ako lang din ang susuko. Masyado kasing mapilit si Mama,  lalo na sa mga bagay na gusto niya. Maging sa mga bagay na makakabuti raw para sa'kin. Although they're not pressuring me when it comes to my studies. She can't stop herself trying to convince me to make friends with my classmates.

Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong gusto niya lang na makita akong sumaya. Pero hindi naman ako malungkot, sadyang ayoko lang na napapaligiran ng maraming tao. Isa pa sapat na ang presensya nila sa buhay ko.

Sa halip na dagdagan, kontento na'ko kahit kaunti lang sila.

"Pero anak—"

"Dinners ready!" Sigaw ni Papa.

Natigilan naman si Mama sa pagsasalita dahil dito. Kaagad din naman akong lumayo kay mama at nilapitan si Papa para magmano rito.

"Good evening Papa." Bati ko sa kaniya, sabay mano.

"Oy! Nandito na pala ang anak ko!" He said in surprised.

Natawa na lamang ako dahil sa inasta niya. Para talaga siyang bata kung umasta sa tuwing nasa harapan ko.

My father loves to joke around, especially when he's at home. Hindi halata na isa siyang university teacher at nagtuturo ng politics. Dahil sa may pagka-isip bata siya lalo na kung naririto siya sa bahay kasama namin ni Mama.

"Si papa talaga, syempre kasi nandito kayo ni Mama kaya rito ako uuwi." I laughed.

"Akala ko kasi may nakita kang gwapong nakatira rito at ako yun, kaya ka umuwi."

Kapwa naman kami ni Mama ay natawa sa sinabi ni Papa. Nagawa pa nga siyang batukan ni Mama dahil sa pagbibiro niya. Dahilan din para mapanguso ito sa ginawa ni Mama sa kaniya.

"Honey naman, bakit mo'ko binatukan?" Pagsusumamo ni Papa. Inirapan naman lang siya ni Mama.

"Ayan kasi magbiro ka pa, Papa." Asar ko

"Totoo namang gwapo ang Papa mo eh. Lalaki ka bang maganda kung pangit si Papa mo?" Pangungumbinsi niya sa'kin.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

My father is handsome, indeed. Kaya nga pati ngayon maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. But his attention is only for Mama. Ayaw niya kasing nag-aaway sila dahil lang sa selos o maling akala. He's a faithful man. Isang bagay na gustong-gusto ko kay Papa.

"Pa, gutom lang 'yan. Halika na at kumain nalang tayo." Pag-aaya ko sa kaniya.

Napatango naman si Papa sa sinabi ko. At nauna ng pumunta sa kusina kung saan naghihintay naman si Mama.

"I should go first, susuyuin ko muna yung Mama mong may toyo." Pabulong niyang sabi sa'kin

Hindi na rin ako nag-atubiling sumagot sa kaniya. Dahil tuluyan na siyang tumakbo patungong kusina. Isang bagay na ikinailing ko na lamang at saka sumunod sa kanila.

I remember Mama asked me a while ago about my day. I wasn't able to give her a good answer. Kasi wala naman talagang bagong nangyari sa  araw ko ngayon.

Until I met that strange guy, sulking wet in his brown jacket as he try to convinced me to share my umbrella with him.

Until I got home. Nadatnan si Mama na may handang towel para sa'kin. Dahil sa pagkaka-alalang nabasa ako pag-uwi.  Trying to convince me to be friend with my classmates and with Papa and his lame jokes. Dahilan para umandar ang pagkatuyuhin ni Mama at kailangan niya pa itong suyuin.

I shrugged as I made my way towards the kitchen where my parents are waiting for me.

I guess today's not a bad day.

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down