About
Table of Contents
Comments

"nag hiwalay na kayo?"takang pag bati sa kanya ng kaibigan nyang

kaagad namang inagaw nang binata ang isang hawak na liqour ng dalaga at tinunga

dahil sa ginawa ng binata ay hindi naiwasang mapa maang ang dalaga at agad syang umupo sa damuhan

"okay lang yan,ikaw na nga nag sabi...

na hindi mona mabago ang pagiging lalakero ng jowa mo, saka isa pa bakit nag eemote ka? para namang diko alam na pinag darasal mong mag hiwalay na kayong dalawa"walang pigil na sabi ng dalaga sa binata at dahil dito ay napa hinto ang binata sa pag inom ng alak at napa ngiwi sya sa dalaga saka umalis sa swing na kinauupuan nya

"kahit na,masakit padin ang malaman na niloloko kalang pala, tsk! napaka sinungaling nya! gagawa ng project, may ipapasa, tangina! bat diko alam na nababakuran na pala sya ng iba!"gigil at inis na sabi ng binata saka itununga ang alak na inagaw nya sa dalaga

napa irap naman sa kanya ang dalaga at tumayo saka sya pinameywangan saka suminghap ng napaka lalim na akala mo ay mauubusan sya ng hangin saka tuluyang nag salita

"so!? nag kakaganyan ka kasi hindi ikaw ang nakipag hiwalay? tangina mo talaga LOIGY!"nakataas at dimaipintang muka na sabi ng dalaga sa binata

agad namang ngumisi ang binata at inabot sa dalaga ang alak na naubos nya na saka nag salita

"babae ka kaya dimo maiintindihan ang point ko at isa pa... hindi yun ang dahilan kung bat ako nag kakaganito, ahm.. siguro oo! konti! baka may konting pag asa na yon ang dahilan, pero tangina! kung kelan okay na ako!? saka mangagago? binigay ko na lahat, kala ko sobra na yung nabigay ko, tangina! kulang pala, hindi lang naman yata ako umabot sa punto na sapat na para sa kanya"nangingiyak na sabi ng binata sa dalagang nasa harap nya at nan dahil dito ay hindi na napigilan ng dalaga na umupo sa damo saka humiga

pag kahiga nya ay sinamaan naman sya ng tingin ng binata kaya napa tawa ang dalaga saka tumingin sa kalangitan at nag umpisang mag salita

"nakakamiss yung panahon na wala pang pino problema sa kahit anong bagay, ang gagawin mo lang kumain ,matulog, mag imagine at hindi ka masasaktan, pero ngayon isang mali at isang pag tatanka mo lang... mag imagine, hayyst... kapalit na agad ay yung buo na puso mo, tapos pag hindi pala pwede, pag hindi kaya, pag kulang, pag binalik na .. o ibabalik na ,hindi na sya buo, ibabalik sya sayong durog... hindi lang basta durog, durog na durog, pero ayos lang yun ang mahalaga binalik sayo... kasi alam mo kung ano mas masakit..."nakatingin lang sa kalangitan ang dalaga pinag mamasdan ang mga bituwin

nung nakaramdam ng pagiging seryoso ang binata ay kaagad syang umupo sa damuhan at humiga na para bang walang pakelam sa kung sino man ang maka kita sa kanya pag kahiga nya ay tumingin sya sa kalangitan at don nya lang napansin na parang humihilom ang sakit na nararamdaman nya

"ano?"deretyong tanong nya sa dalaga habang naka tingin sa kalangitan

kaagad napangiti ang dalaga ng mapansin nyang nag dikit ang mga braso nila ng binata at nag salita muli

"mas masakit yung binigay mo yung puso mo pero wala ng naibalik, dahil sa sobrang sakit na dinulot nya sayo naging pino ang puso mo, kaya nung tinapon nya pabalik sayo hindi mona nakuha, kasi tinangay ng malaming ninyong hangin ang puso mong ...inangkin nya ...lang para durugin"bakas sa muka ng binata ang masakit at malalim na binitawan na salita ng dalaga ngunit pinilit nya paring ngumiti saka ito tumawa

"HAHAHA! hindi naman masakit yun jane , alam mo kung ano mas masakit HAHAHAHA"pilit na tawa ng binata sa kanyang kaibigan

kaagad naman syang nilingon ng dalaga ngunit ang binata ay nakatingin padin sa madilim at magandang kalangitan

"osige!? ano daw ang mas masakit Loigy?"ngising sabi ng dalaga sa binata ng basagin ng binata ang kanyang kadramahan

kaagad lumingon ang binata sa dalaga saka ngumiti tapos ay ngumisi

"mas masakit yung ako yung iniwan pero ikaw yung mas nag dradrama " sabi ng binata saka bumangon at nanatiling naka upo sa damo

kaagad ding bumangon ang dalaga at nanatiling nakaupo sa damo saka nag salita

"alam mo tangina mo talaga Tss! pinapagaan nanga yung loob mo eh, ma keme kapa dyan"iritang sabi ng dalaga sa binata kaagad namang natawa ang binata

"WAHAHAHA! POOPTANGINAHahahaha para kasing sa mga sinasabi mo ako pa mag papa gaan ng loob mo eh HAHAHAHA!"nakatingin na sabi nya sa dalaga kaagad naman syang nginisian ng dalaga mag sasalita na sana ang dalaga ng may tumapat na batuta sa gitna ng mukaan nila

"mag sasarado natong park kaya mas mabuting ayusin nyo na gamit nyo at umalis"sabi ng makisig na lalaki sa dalawang mag kaibigan

agad naman silang napatingin at nagulat hindi nila alam na nag sasara na pala ang park na pinag tatambayan nila mula bata pa sila pero dahil nga matagal na silang hindi nakakapunta sa lugar na iyon ay tumungo nalamang sila kaya umalis nadin ang makisig na lalaki

"osya! diko alam na nag sasara napala to tss! halika hahatid na kita sa inyo, makikikain at makikitulog nadin ako HAHAHA!"sabi ng binata sa dalaga saka kaagaran syang tumayo at inabot ang kamay sa dalaga saka nya ito tinulungan tumayo

"aaarrhhh! wooh grabe HAHAHA ,sige tara na" ngiting sabi ng dalaga sa binata

nung matapos ay nag lakad na sila palabas at nagtungo sa pinag paradahan nila ng kotye

nang makarating ay agad pinag buksan ng pinto ang dalaga ng binata

walang ano ano'y pumasok ang dalaga sa loob ng kotye at sumunod naman ang binata

nang maka sigurong naka siftbelt na silang pareho ay kaagad nyang binuksan ang makina ng kotye nya saka pina andar

"okay kana ba friend?"seryosong tanong ng dalaga sa binata

kaagad namang napatawa ang binata saka tumungo

"medyo po friend HAHA! pero wag kana mag drama... baka maasar ako, mabanga patong sinasakyan natin HAHAHA!"natatawa nyang sabi habang naka tingin sa daan

kaagad namang suminghap ang dalaga at nag cross arm

"tangina mo talaga LOIGY"dimaipintang muka na sabi ng dalaga

kaagad namang tumawa ang binata na kala mo ay wala nang bukas

"HAHAHHAHAHA! pikon ka talaga jane! kaya hinding hindi ako magiging sayo WAHAHAHA!"hagikgik na pag sabi ng binata kaagad naman syang nginisian ng dalaga at tumingin nalamang sya sa bintana

"as if namang hingin kita no, tssk! Over my cuteness and chubby body"pagtataray na sabi nito

napailing iling nalamang ang binata saka ngumisi

"eh ni-laman nga wala ka,tapos sasabihin mo chubby ka!?? nasaan ang kahihiyan ni Xilea Devillia Rose Lorijane Manabat?"nakataas na kilay na sabi ng binata habang nakatingin sya sa daan at nag mamaneho

kaagad napa lingon ang dalaga sa binata at ngumiwi saka nag pamewang

"nahiya kapa! sana sinama mo nadin middle name ko LOIGY TEO CRUZ, kung gano kahaba pangalan mo ganon kahaba putotoy mo nuong bata patayo!"naasar na sabi ng dalaga sa binata

dahil don hindi sinasadyang ihinto ng binata ang kotye at hinarap ang dalaga

"manyakis! FYI bata patayo non iba na ngayon tsk! isusumbong kita kay titamy sabihin ko hangang ngayon pinag nanasaan mo padin ang junjun ko"mag kasalubong ang nakilay na sabi ng binata kaagad namang tumawa ang dalaga

"FYI den! hindi ko kasalanan na nung tinangal ni titamoms yung short mo ay nandoon ako noon so wag moko pikunin baka maipagkalat ko yon"kunwaring nananakot na sabi ng dalaga agad naman syang tinawanan ng binata

"osige sabi mo eh, basta wag mo din akong pikunin baka maibungo ko tong sasakyan natin, ikaw din.. di mo makakatuluyan ang crush mo, tsk tsk tsk! kawawang apat ang pangalan dilang naman naranasang mapakilig ng crush nyang kakaiba ang palayaw"ngisi na sabi ng binata sa dalaga

pag sasalita nasana ang dalaga ng biglang may ingay na pumaligid sa kanila tila ba ay nakaka gambala sila dahil don ay agad ibinaba ng binata ang salamin ng bintana at tumingin sa labas

"wag kayong humarang sa daan! kung ayaw nyo pa umalis iparada nyo yung kotye nyo sa gilid ng daan! hindi yung nasa gitna kayo ng daanan nakaka bulabog kayo sa mga taong nag mamadali umuwi!"galit at naiinis na sabi ng isang driver

kaagad namang natawa ang dalaga kaya napatingin ang binata sakanya saka ito nginitian at binuhay muli ang makina saka dali daling pina andar

ng makarating nasila sa bahay na paroroonan nila ay huminto sandali ang binata sa labas ng bahay ng dalaga at saka nag busina, ilang minuto lang ay lumabas ang maid ng dalaga at pinagbuksan sila ng gate saka ipinasok ng binata ang kotye nya at pinatay ang makina ng kanyang kotye saka dali daling bumaba ito at saka pinag buksan ang kanyang kaibigan

"Sir Loigy magandang gabi po, nasabi po ng inyong magulang na dito daw po muna kayo mananatili, kaya po nag handa na ng makakain si Maam Esmeralda pasok napo kayo"bati ng maid sa binata kaagad naman tumungo ang binata at nang makalabas na ang kaibigan nya ay kaagad na syang pumasok at iniwan ang kaibigan nya kasama ang maid

"tangina... tama bang iwanan ako dito tssk"bulong ni lorijane

narinig naman sya ng made at agad tumawa

"maam jane okay lang po yun ang mahalaga pinag buksan kayo ng pinto ni sir Hahaha"kaagad na gulat si lorijane dahil hindi nya inakala na may nakarinig pala sakanya at dahil don ay nginitiian nya nalamang

nang makapasok si Loigy sa mansyon ng kanyang kaibigan ay malaking ngiti ang binungad sakanya ng mga magulang ni lorijane

"nag balik ang binatang si Loi"bati sakanya ng ama ni lorijane kaagad naman nyang kinamayan ito

"syempre po titody"masayang sabi nito

pag katapos ay agad nyang hinalikan sa pisnge ang ina ni lorijane saka hinawakan ang kamay

"kasing ganda mo ang mga bituwin sa gabi titamy"masayang sabi nito at saka itinaas ang kamay nya kasama ang kamay ng ina ni lorijane at saka ito ipinaikot

natawa naman ang ina ni lorijane sakanya

"ikaw talaga loi, bulero kapa din hahaha! tama nga si jane mukang madami kang napapaiyak na babae"napangiti nalang si loigy sa sinabi sakanya ng ina ni jane

mag sasalita nasana sya ng may nag salitang tiyak nyang galing salabas kaya agad syang napa tingin dito

"nagugutom na ako mommy, huhu ano foods?"

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down