About
Table of Contents
Comments

"I'm betting on it! Ako ang magiging prom queen!"

"Laide, third year pa lang tayo, hindi pwedeng prom queen ka kaagad."

Mahinahon ako habang sinasabi ko kay Laide ang bagay na iyon. Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin habang suot ang gown na gagamitin niya para sa Junior and Seniors Prom ng high school namin. She wanted to be the prom queen already pero parang mahirap iyon dahil junior pa lang namin kaming dalawa. Ang swerte na nga ni Laide, maraming lalaking gusto siyang maka-date sa prom namin, everyone asked her - the jocks, the nerds, the SSG officers pero wala siyang pinili kahit na sino. She's going to the prom alone.

Alam kong kaya niyang dalhin ang sarili niya sa prom night. Laide is very beautiful. Sa murang edad niya, napakarami na talagang nagkakagusto sa kanya. Hinarap niya ako.

"Ikaw, Sheena, may kasama ka ba sa prom? Tinanggap mo baa ng alok ni Ceasar?" Kinikilig na tanong niya. Umiling ako. Wala naman akong tinanggap na imbitasyon. Hindi ako inaya ni Ceasar. In the first place, inaya ako ni Ceasar dahil kay Laide. Alam kong kinausap niya ang taong iyon para puntahan ako. Alam ko, narinig ko siya. She wants to make sure that I'll be ask. Sa totoo lang wala naman akong balak pumunta sa prom. Gusto ko lang siyang samahan, iyon kasi ang bilin ng lola niya sa akin.

Ang nanay ko ay naninilbihan sa pamilya ng mga Consunji mula pa noong dalaga siya. Ang Lola rin ni Laide ang nagpapaaral sa akin. Ipinasok niya ako sa mismong eskwelahan kung saan nag-aaral si Laide para may kasama ang apo niya. Hindi naman naging mahirap sa akin iyon. Mabait si Laide kahit may pagka-brat siya. Spoiled kasi siya at kaisa-isang anak na babae.

"Wala. Ikaw na lang kasama ko. Girl night out!" Napahagikgik pa ako.

"Ay! Maganda iyan! Best friends' night out, Sheen! Excited ako! Sana Manalo ka ring prom night! I wouldn't mind sharing the crown with you!" Niyakap niya pa ako. I just giggled.

Natapos ang pagsusukat niya ng gown kaya lumabas na ako ng silid niya para puntahan si Nanay. Mamaya ay uuwi na rin kami. Bigla kong naalala iyong assignment ko sa Chemistry na hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa. I made a face. Nagmadali akong bumaba sa grand stair case ng mansyon. I was humming. Nang marating ko ang pinakadulo ay ang siya naming pagbukas ng front door at iniluwa niyon si ang panganay na kapatid ni Laide. I took a deep breath. Nagtama ang paningin namin.

"Sheena. Kumuha ka ng first aid kit."

Nagtaka ako. Naintindihan ko kung bakit nang makita ko ang isa pa nilang kapatid - si Lukas na duguan ang labi at may pasa sa pisngi.

"Dapat hindi mo ako pinigilan! Ako ang tatapos ng laban! Ang epal mo Sancho!"

Tinulak ni Sancho si Lukas. Hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Kung hinayaan kita, patay ka na ngayon! Gago! Hindi mo ba iniisip si Mama sa pinagagagawa mo?!"

"Wala naman kayong pakialam sa akin! Bakit ko pa kayo iisipin? Si Nanay Sandra lang ang may pakialam sa akin! Magsama-sama na kayo!" Sigaw niya pa. Nanay ko ang sinasabi ni Lukas. Umalis siya. Iniwan niya si Sancho sa gitna ng sala. Sumunod naman ako. Agad akong tumalilis at hinanap si Lukas.

Tama ang hinala ko, nagpunta siya sa abandonadong bahay sa likod ng mansyon. Naupo siya sa pasimano doon at nagpipigil ng luha. Bumalik naman ako sa mansyon para kunin ang first aid kit tapos noon ay lumabas ako para puntahan siya. Naupo ako sa tabi niya.

"Lukas..." Tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako. He always looked at me with so much tenderness in his eyes. "Bakit ka nakipag-away?" Tanong ko sa kanya. Kumuha ako ng bulak at pinatakan iyon ng alcohol. Dahan-dahan kong inilapat iyon sa gilid ng labi niya. Kinuha naman niya sa kamay ko bulak na hawak ko. We stayed like that for some minutes nang biglang magsalita si Lukas.

"Kung sasama ka sa akin, aalis ako dito." Mahinahon na ang pagsasalita niya. I looked at him. "Seventeen years ng buhay ko, hindi ko naramdaman na kailangan nila ako. Tanggapin mo ako, Sheena, aayusin ko ang lahat."

Nakadama ako ng takot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Napaawang naman ang labi ko. Nakatitig lang ako kay Lukas na para bang nababaghan ako. I was about to say something when I heard someone called my name. Mas nakakapagpahinto ng mundo ang tinig na iyon.

"Sheena!" Si Sancho ang tumawag. Nakatayo siya malapit sa kinauupuan namin at alam kong sapat na ang distansyang iyon para marinig niya ang sinabi ng kapatid niya.

"Hinahanap ka ni Laide. Pumasok ka sa loob."

Napalunok ako. Hindi ako kaagad nakaalis dahil nalunod ako sa mga mata niya. In his eyes, I imagined that I am seeing my future. A life with him. Iyon lang naman ang gusto ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Binalingan ko si Lukas... His eyes were telling me his sincerity but then... I looked at the other pair of dark eyes looking back at me and I know that it will always be him...

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down