About
Table of Contents
Comments

Life was a lot easier when I didn't know who I really was. I used to bea normal college student. I was the star varsity player of our university. Mahirap ang buhay ko kaya seryoso ako sa paglalaro ng basketball dahil doon sa larong iyon nanggaling ang scholarship ko. Kapag nawala ang scholarship ko, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

I don't have real parents. I was stuck with my adoptive father, isa siyang constructions worker. Magkasundo naman kaming dalawa. Tinutulungan ko siya sa pagtatrabaho kapag wala akong pasok at kapag wala akong laro. Mahal ko ang tatay ko iyon nga lang, walang nakaalam sa university kung ano talaga ang estado ng buhay ko.

They all thought that I am rich – a son of a CEO, a very rich man. Kung alam lang nila kung ano talaga ako, siguro ay hindi nila gugustuhin na maging kaibigan ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naisip nila sa akin. Wala naman akong binanggit na galing ako sa mayamang pamilya. Hindi rin naman ako magarang magsuot ng damit, wala akong kotse o kung anuman.

Maybee, just maybe it was because of the color of my eyes. I have a pair of green eyes. Noong bata ako, madalas akkong tampulan ng tukso sa ampunan. Nagkapalit daw kasi ang mga mata ko at ang mga mata ng pusa noong ipinanganak ako. Hindi ko sila pinapansin noon, para sa akin advantage ang pagkakaroon ng ibang kulay ng mga mata dahil mas madali akong mapapansin ng mga tao. It gives me character and it makes me unforgettable.

Alam kong dadalhin ako sa malayo ng mga matang iyon.

At hindi nagkamali ang hinala ko.

Sa isang business function sa university namin, nakilala ko ang isang lalaki. He said his name was Eos Demitri and I caught his attention while he was speaking on the stage because of the color of my eyes.

"What's you name, boy?" He asked me. May kakaiba sa tono ng pananalita niya na hindi ko maintindihan. Nagpakilala rin naman ako.

"John Eric Reyes." I answered him. He shook his head.

"Your name is too ordinary. Didn't you ever think that maybe you are someone else?" Makahulugang tanong niya. Natatawang napapailing ako. The man was clearly messing up with my head.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Tumaliko ako pero natigilan nang makasalubong ko ang isa sa mga speaker ng business function na iyon. Si Helios Demitri. He was one of the richest man in the country, alongside Mr. Sancho Consunji. Alam ko dahil pinag-aralan namin ang business historyng kompanya nila noong first year high school ako.

"Oh, hey, dear brother. Would you take a look at this boy right here in frot of you and tell me what do you see..." Muli na namang nagsalita ang lalaki sa likuran ko. Helios Demitri stared at me tapos ay umiling siya.

"Get lost, Eos." He walked away. Nilagpasan niya ako, ako naman ay tuluyan nang lumabas. Hindi ko gusto ang lalaking iyon, para bang wala siyang gagawing maganda sa buhay. Hindi ko naman kailangan mag-aalala dahil hindi ko naman na siya makikita kahit kailan – iyon ang akala ko.

I noticed that he was in my every game since that day that I met him. Para bang sinusundan niya ako. Hindi lang iyon ang napansin ko kundi pati na rin ang mga taong panay sumusunod sa akin. Isang gabi ay hindi na ako nakatiis, alam kong sumusunod sa akin ang mga lalaking iyon habang pauwi ako kaya hinarap ko sila. Habang naglalakad ako papaso sa eskinitang iyon ay nakita ko ang isang asul na SUV na susunod –sunod sa akin. Huminto rin naman sila nang makitang hinihintay ko na sila sa kanto.

Mula sa sasakyan ay bumaba si Eos Demitri. He was wearing a suit – panay naman siyang naka-suit. Hindi kaya siya naiinitan? I shook my head.

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinusundan?" Inis na tanong ko.

"May kailangan ako sa'yo, John Eric." Sabi niya sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya. I realized that we have the same eye color. Iyong kay Helios Demitri kasi ay dark green, iyong kay Eos ay medyo light.

"I need your DNA. Naniniwala akong kapatid kiya, John Eric, your name is Selenos Demitri. Ikaw ang batang ipinamigay ng Mama ko noon dahil sa galit niya kay Baba."

Hind ko maintindihan kung anong sinasabi niya sa akin. Sinong Mama niya at anong Baba ang pinagsasabi niya. Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko siya at umalis na lang. Hindi pa rin naman niya ako tinigilan noon. Hanggang isang araw, sinukol niya ako sa university.

"Can you live your life knowing na may posibilidad na hindi dapat iyan ang buhay na para sa'yo?" Inis na tanong niya sa akin. "All I need is a piece of your hair ans everything will be okay. Kung ikaw ang ikaw na iniisip ko o kung hindi man ikaw iyon, walang problema. Natatakot ka ba?"

"Hindi." Sagot ko. Ibinigay ko ang gusto niya. Wala namang mawawala sa akin. Matapos noon ay isang linggo ko siyang hindi nakita. Ang buong akala ko ay titigilan na niya ako pro isang araw ay bumalik na naman si Eos Demitri kasama ang resulta ng DNA test na iyon.

It was positive.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Buong buhay ko may hinahanap akong isang bagay na nakita ko ngayon, binuo ako pero hindi naman ako masaya. Bakit nga ba hindi ako masaya? Bakit ng aba nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan?

Hindi ako si John Eric. Ako si Selenos Demitri.

Sinabi ko iyon sa Tatay ko. Hindi rin niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Mayaman ang pamilya ko – sobrang yaman. Sinabi niya na makabubuti sa akin kung sasama ako kay Eos pero ayoko siyang pabayaan. Sinabi ko kay Eos ang bagay na iyon and he was kind enough to let my father come along with me sa paglipat ko sa mansion niya.

Nagbago ang buhay ko dahil lang sa papel na iyon. Eos made sure that I get everything and that I have everything. Naging totoo ang hinala ng mga kaklase ko tungkol sa akin.

I am filthy rich.

Sa kabila nito ay wala akong alam kay Eos. Hindi ko masasabi na mabuti siyang tao dahil alam kong may mga ginagawa niyag labag sa batas. Alam ko rin na sobra at sagad sa buto ang galit niya kay Helios Demitri – ang kapatid namin.

"May mana ka kay Baba. Alam ko iyon. Helios has your money. Pero kilala ko siya. Hindi niya ibibigay ang para sa'yo. Ganoon siya katuso."

Wika niya isang gabi habang nakaupo kami sa balcony.

"Bakit ako ipinamigay ng Mama mo kung hindi naman siya ang nanay ko?" Hindi ko matiis hindi itanong. Tumawa si Eos.

"My mother was with Baba for eight years tapos nakilala niya iyong maid sa bahay sa Santorini, nagkaroon sila ng relasyon, nabuntis ni Baba iyong babae tapos ay pinaalis kami sa poder niya. He was that cruel. Naghirap kami ni Mama, umuwi kami sa Pilipinas pero bago kami umuwi ay ginusto niyang maghiganti kay Baba. Nabalitaan niya na may bagong kinakasama si Baba kaya pumunta siya sa bahay, she saw you – you were only a baby back then. I was eleven then. Mama took you with us. Marami siyang kakilala kaya napadali ang pagkuha sa'yo. Pagdating dito ay iniwan ka niya sa ampunan and then we moved on wth our lives."

"You don't know who my real mom?"

"Hindi ko alam. Pero alam kong pinamahan ka ni Baba. Iniwan ka niya ng yaman kaya hindi ka dapat nabuhay nang ganoon. If only he would be kind enough to give yo what you deserve."

Hindi ko kahit kailan nakausap si Helios Demitri. Pinagbawalan ako ni Eos. Bilang kapatid ay hindi naman siya nagkulang sa akin. Ibinigay niya talaga ang lahat. Tinulungan niya akong maging ako. He help me built my own business. Naroon siya nang kumita ako nang una kong milyon, naroon siya nang mamamatay si Tatay at naroon siya nang akala ko ay iniwan na ako ng mundo.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na ito. Eos was a bad man, yes, but he deserves a better ending. Hindi iyong bigla na lang siyang nawala nang ganoon na lang. Hindi iyon makatarungan. He's a very complex man. Kapatid ko siya at tulad niya sa akin ay gusto ko ang lahat ng mabuti ay mapunta sa kanya.

That's why he didn't deserve to die like this.

I swear to his grave that I will give justice to his death.

"Paanong nakapasok dito ang gumawa noon? Very secured ang bahay na ito! Wala ba kayong ginawa?!" I was hissing at his men. Hindi sila makapagsalita. Pare-pareho ang sagot nila na hindi nila alam. Wala silang alam at nalulungkot sila sa pagkawala ng kapatid ko.

Gabi na iyon at pilit kong binibigyan ng explanation sa sarili ko ang nangyari sa kanya. Napakalungkot ng buhay ng kapatid ko. At hindi ako papayag na ganoon na lang ang mangyari sa kanya.

"Sir Lenos... nandito po si Helios Demitri."

Napatayo ako nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi nagtagal ay pumasok siya sa private office ni Eos kung saan natagpuan siyang duguan at wala nang buhay kasama si Tia Vejar.

Nagtiim ang mga bagang ko nang makita ko si Helios Demitri. He was staring at me while taking steps toward me.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him. "Hindi kita kailangan."

"Eos died." Sabi niya.

"Alam ko."

"Someone killed him."

"Alam ko rin. Kung sasabihin mo lang kung anong alam ko na, umalis ka na lang Helios. Hindi kita kailangan. Wala ka noong mga panahon na kailangan ka ni Eos ngayo—"

"Eos never needed me! He only needed revenge from me!"

"Because you let him suffer, Helios Demitri! He acted the way he did because you let him! Pinabayaan mo siya! Hindi mo siya hinanap kahit na alam mong kailangan ka niya?! Where were you when he was at his lowest?!"

"I was busy picking up my own fucking pieces! Things aren't about you or him every damn time! Hindi lang si Eos ang nasira at kinailangang ibalik ang sarili niya! Hindi lang siya ang namatayan ng Nanay o Tatay! My whole family died! I got stuck with Baba! He made me a monster!"

"You made Eos a monster, Helios." I mumbled.

"Eos made himself that! It's not my decision. Ngayon kung ikaw ang papalit sa kanya sa paghihiganti sa akin, so be it. But I just have to say this, Lenos, no one can ever shake the ground I'm standing."

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang pulang ilaw mula kung saan. Nakatutok iyon sa pader hanggang sa lumipat kay Helios.

"Dapa!" I shouted. Ang sumunod ay ang pagputok ng baril. I got down. Si Helios din ay ganoon.

Really, someone is trying to take us one by one by one...

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down