About
Table of Contents
Comments

"Nasaan na kaya si Ella," sambit ni Aria sa sarili habang patuloy na naglalakad at hinahanap sa malaking mall ang kaniyang matalik na kaibigan dahil may usapan silang magkikita sa araw na iyon.  Nagtaka si Aria sa biglaang dami ng taong sumalubong sa kaniya at agad din siyang nilampasan ng mga ito. Nang lingunin niya ang kanyang likod isang kilalang actor ang dinumog ng maraming tao. Bigla na lang may tumulak kay Aria at di inaasahang matumba ito sa sahig. 

 "Hey, are you okay?" agad namang napatingin si Aria sa lalaking nakatayo sa harap niya at agad siyang tinulungan nitong tumayo.  

"Salamat, but I'm okay!" sagot ni Aria na may halong inis dahil sa pagkakatumba nito sa sahig.  

"By the way I'm Aaron, and you?" 

"Sorry but I have to go." Umalis agad si Aria at nagtungo ito sa banyo at tinawagan na lamang ang kaniyang matalik na kaibigan. 

"Ella, I've been looking for you! nasaan ka na ba?" 

"I'm here in front of Jackson Kang. You won't believe this, oh my God! He just grabbed my phone and we took a selfie together. " 

"I'll just wait for you in a coffee shop," sambit ni Aria at agad na ibinaba ang telepono. Si Aria ay isang tipo ng babae na walang hilig sa mga sikat na tao kagaya ng mga celebrity at influencer at 'yon naman ang kabaliktaran ng kaniyang matalik na kaibigan.

  Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay sa kaibigan, dumating na din si Ella at agad na niyakap si Aria.  

"Aria, sorry to keep you waiting! By the way belated happy birthday to my beautiful bestfriend," ngiting sambit ni Ella at iniabot nito ang bitbit na regalo sa kaniya. 

"Wow, thank you for buying me this," masayang sambit ni Aria at niyakap ang matalik na kaibigan

"You should wear it now it suits your red dress." Isinuot naman agad ni Aria ang mamahaling heels na regalo ng kaibigan.

"By the way my brother's 7th birthday will be on Friday. You should come okay? Mom and dad misses you." 

"Aw, I missed them too and I can't wait to see tito and tita."

"So tell me how's US?"

"Same old and I have a goodnews for you!"

"You have a boyfriend na?" tanong ni Ella.

"Duh, no! I'm planning to study here in Philippines and finish my college." 

Three days ago. 

"Hello, ma. I just arrived here."

"Kumusta ang condo anak?"

"It's really great, ma."

"I miss you guys already," malungkot na sambit ni Aria sa kanyang ina.

Pagkatapos ng grade school nag-migrate ang pamilya ni Aria sa US at taon-taon naman nagbabakasyon si Aria kasama ang pamilya niya sa Pilipinas pero this time mag-isa lang siya umuwi ng pinas at plano niya i-take ang accounting and business management at mag tayo ng business sa Pilipinas.

Habang nagkekwentuhan ang dalawa, unti-unti nilang napansin ang pagdami ng tao sa coffee shop. 

"Aria, oh my God. Do you see what I'm seeing? Is this a coincidence? Jackson Kang is here too drinking the same coffee I have." Iniwan ni Ella si Aria at lumapit sa mesa kung saan nakaupo mag-isa ang actor na para bang may hinihintay.  

"Hi, do you remember me? We just had a selfie earlier. I am one of your fans can we take pictures again?" kinikilig na sambit ni Ella at iniabot ang kanyang cellphone sa actor. Ikinagulat ng dalaga nang bigla na lang tinapik ng actor ang kamay nito at diretsong lumabas ng coffee shop. 

"Sino na naman ba tong kalabit ng kalabit sa akin. Minu-minuto na lang," ani Jackson sa sarili at ito ay kaniyang nilingon. 

"Sino ka ba sa inaakala mo ha?! Sino ka ba para tratuhin ng gano'n iyong kaibigan ko?!" galit na tugon ni Aria sa binata at sa inis niya sa actor ay tinapunan niya ito ng kape sa dibdib. 

"Miss, wag kang mag-eskandalo dito. Maraming mata sa paligid pero kung gusto mong mag-trending at sumikat. Hindi kita pipigilan," pabulong na saway sa kaniya ng binata. 

"Akala mo natatakot ako sa 'yo?" Akmang tatapunan ulit siya nito ng coffee agad namang hinila ni Jackson si Aria sa braso at tumakbo papalayo sa mga maraming tao hanggang makarating sila sa parking lot. Pinipilit ni Aria makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Jackson sa kaniya. 

"Bitiwan mo ko! Ano ba!?" hingal na sambit ni Aria.

"Sorry. I don't mean to dragged you here. Are you okay?" 

"Do I look okay to you? After what you did to me?! Are you serious?" ani Aria na galit na galit kay Jackson.

"You don't understand. I had to do that."

"Do what? Hurt my bestfriend and dragged me here?" 

"Okay look, my ex showed up there and the paparazzi too. So technically you are famous now." Sabay ngisi ng binata. 

"Sa dami ng babaeng pwede mong hilahin papunta rito, bakit ako pa? At anong tingin mo sa akin? Na gusto kong sumi-." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Aria nung naramdaman niyang isang mainit na halik ang itinugon sa kaniya ng binata at sunod sunod na tunog ng camera ang narinig niya.

"Ugh, ano ba!" Gumanti ng tulak si Aria at hinila naman siya nito papunta sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ito ng pintuan. 

"Get in the car! Now!" maawtoridad na sambit ni Jackson kay Aria. 

Napakunoot noo na lamang si Aria. "What?!" 

"Just do as I say," seryosong sambit ni Jackson. Napilitan na lamang sumakay ang dalaga sa sasakyan ng actor. 

"Where are you taking me!?" tanong ni Aria, ngunit hindi siya pinansin nito at ipinaharurot ni Jackson ang kanyang sports car, 

"Hey, answer me!" Tinakpan nito ang kanyang sarili gamit ang dalawang braso habang kunot noong nakatingin kay Jackson.

"Don't worry you are not even my type," pilyong sagot ni Jackson sa dalaga. 

"You know what let me call the police."

Habang kinakapa ni Aria ang dalang sling bag, napakagat labi ito ng maalalang naiwan niya pala ang kaniyang cellphone sa coffee shop. "Ughhh," inis na sambit nito sa sarili. Napatingin naman sa kanya si Jackson at iniabot ang sariling phone nito sa kaniya. 

"Why are you giving me your phone?"

"You just said you wanna call the police. Go ahead and do it then," matapang na hamon ni Jackson kay Aria.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. 

"Don't worry, I am not gonna harm you. And about your fr-"

"Ibaba mo na lang ako sa malapit na babaan. Please!" pagmamakaawa ng dalaga kay Jackson.

"I can't" 

"What do you mean I can't?" 

"Look at the rear-view mirror," tugon ng binata. 

"Who the hell are they?" nagulat si Aria ng mapansin na may nakasunod sa kanila na sasakyan.

"That's the paparazzi and they've been following us for 10 minutes now."

"Well, problema mo na 'yan, basta ibaba mo na lang ako!" 

Mas lalong pinabilis ni Jackson ang pagmamaneho ng kotse nito. Napakapit naman si Aria sa kanyang kinauupuan. 

You may also like

Download APP for Free Reading

novelcat google down novelcat ios down